May maternity benefit ba kahit may utang pa?

MA’AM ask ko lang po. May loan po kasi ako sa SSS, first loan ko po, pero di ko pa nababayaran.

Ngayon po ay nag-file ako ng maternity benefit. Babawasan po ba ‘u’yng benefit ko at ibabayad sa loan ko?

Salamat po.

REPLY: Bilang tugon sa inyong email kung saan itinatanong ninyo kung maaapektuhan ang pagtanggap ninyo ng maternity benefit kung mayroon kayong balanse sa loan.

Nais po naming ipaalam sa inyo na makakatanggap pa rin kayo ng maternity benefit, kung kayo ay qualified, kahit na may loan balance pa kayo.

Kung kayo ay mayroong hindi bababa sa tatlong hulog sa loob ng 12-buwang panahon bago ang semestre ng inyong panganganak, maaari kayong makatanggap ng benepisyo sa panganganak.

Halimbawa, kung kayo ay manganganak sa buwan ng Agosto ng taong ito, kailangang mayroon kayong hindi bababa sa tatlong hulog mula April 2017 hanggang Marso 2018.

Nais po naming ipaalala sa inyo na kailangan kayong mag-file ng inyong maternity otification habang hindi pa kayo nakakapanganak. Kung kayo po ay employed, ipapauna ng inyong employer ang inyong maternity benefit. Magpa-file naman ng maternity reimbursement sa SSS ang inyong employer para maibalik namin sa kanila ang halagang ipinauna nila sa inyo.

Tungkol naman po sa inyong loan balance, kung kayo ay kasalukuyang employed, pinapayuhan namin kayong ipaalam sa inyong employer ang inyong salary loan para maumpisahan o maipagpatuloy ang pagbabayad ng inyong utang sa pamamagitan ng salary deduction. Nais po naming ipaalam na ang interest at penalty ng inyong loan ay patuloy na madadagdagan hangga’t hindi nababayaran ang inyong loan.

Nais din po naming ipaalam sa inyo na mayroong Loan Restructuring Program (LRP) ang SSS sa ngayon.
Sa ilalim ng programang ito mas magiging magaan ang pagbabayad ninyo ng inyong loan balance dahil matatanggal na ang penalty ng inyong loan. Ang loan ay maaaring bayaran ng buo o installment.

Mangyari po lamang na magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS kung kayo ay interesadong mag avail ng LRP. Ang programang ito ay tatakbo lamang hanggang ika-1 ng Oktubre, 2018.
Sana po ay nabigyan namin na linaw ang inyong katanungan.

Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.

Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Department
Manager

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...