HI, Ateng Beth.
Ako po si Jane. Pwede po ba manghinge ng payo? May BF po ako ngayon. May anak na siya, hiwalay po siya sa asawa niya.
Pero simula noong naging BF ko siya ay hindi ko po naramdaman na mahal niya ako. Pero sabi niya mahal naman niya ako at mahal ko rin siya. Naguguluhan ako, ateng Beth.
Dapat ko na ba siyang hiwalayan kasi balewala na ako sa kanya. Sana mapayuhan mo po ako, ateng Beth.
– Jane
Ay naku, Jane, kung feeling mo ay balewala ka sa kanya, eh, di walk out na! Kailangan pa ba ‘yang ipagtanong kung ano’ng gagawin?!
Hindi ba kaya ka nga nasa ganyang relasyon ngayon, o kung ano pa mang klase ng relasyon, ay para maramdaman mong pinapahalagahan ka at minamahal.
Di ko maintindihan yung statement mo na, simula ng nanging BF mo siya ay hindi mo na maramdaman na mahal ka niya.
So ibig mong sabihin nung nililigawan ka niya, doon mo lang naramdaman na mahal ka niya? Well, may mga lalaking ganun talaga, pag nanliligaw, best foot forward, ika nga.
Pero may mga lalaki rin kasing hindi showy. Hindi expressive sa nararamdaman niya.
Kilala mo ba talaga ang dyaske mong nobyo? Alam mo ba ang pamilyang pinagmulan niya at ilang mga detalye ng kanyang kabataan? Alam mo yun, yung mga pamilyang hindi nagpapakita ng feelings. Mga pamilyang hindi nagsasalita ng kanilang nararamdaman. Mga magulang na hindi expressive sa verbal appreciation nila sa mga anak nila. O baka broken family siya. Walang model ng lalaking nagpapakita ng emotions o verbal feelings.
Kaya pag tinatanong sila kung mahal sila, oo naman ang sagot nila, kasi yun ang totoo pero hindi lang sila expressive.
O baka ikaw naman yung tipo ng babae na touchy, feeling type at gusto mo laging sinasabihan ng “I love you”, kumain ka na ba, tulog na, good morning at kung ano pang achuchuchu. Kaya ka naghahanap kay boypren ng ganun.
Maige, mag usap kayo. At mas maige, alamin ninyo ang love language ninyo at doon kayo magbase (Ire-search mo na lang yung love language, counselling lang papel ko rito at di lecturer ng paseminar ni editor! Hahaha…)
Kung minsan kasi mahirap din i-express ang feeling lalo kung di ka nasanay. Kung minsan din naman it takes practice para masanay tayo sa ibang bagay. Kung minsan din naman kailangan sa atin magsimula yung hinahanap natin. Alam mo yung love begets love. So kung gusto nating maging expressive sya, edi maging expressive muna tayo.
Magkaroon muna tayo nung hinahanap natin at baka sakaling maituro natin sa mahal natin.
Kung di kaya ang lahat ng ito, mas madali sigurong wakasan na ang relasyon at good luck na lang sa paghahanap ng kasunod.
May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay i-text sa 09989558253.