Life story ng prinsipe ng Manobo tribe pang-MMK
NAKAKA-INSPIRE ang life story ng World Championship of Performing Arts (WCOPA) gold medalist na si Aljun Cayawan. Ito ang dahilan kung bakit siya kinuha ni Aileen Choi Go na maging brand ambassador ng Megasoft Hygienic products.
Humarap si Aljun sa entertainment press kamakailan para ibahagi ang kanyang naging journey bago narating ang tagumpay niya ngayon.
Talaga palang pang-Maalaala Mo Kaya ang naging buhay niya bilang miyembro ng Manobo tribe sa Agusan del Sur.
“Masaya po ano sa sobrang suportado ako, actually hindi lang po ng Manobo tribe, kundi lahat po ng katutubo sa Pilipinas. After winning WCOPA, hindi lang mga Manobo ang naging proud kundi ibang katutubo mula Luzon, Vizayas at Mindanao nag-message sa akin,” pahayag ng binata sa press.
Isa rin palang prinsipe ng Manobo tribe mula sa Agusan si Aljun kaya naman nagsisilbi rin siyang inspirasyon ngayon sa kanyang mga katribo matapos mag-uwi ng karangalan sa katatapos lang na WCOPA na ginanap sa Las Vegas.
In fairness, wala pang formal training sa pagkanta ang binata pero pang-world class na ang kanyang boses, “Wala po talaga, sad to say wala po akong formal training sa pagkanta. Ang lola ko lang po ang nag-train sa akin.”
Excited na si Aljun sa mga nakatakda niyang gawing mga proyekto para sa Megasoft, mag-iikot siya sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao para magbigay din ng inspirasyon sa kanyang mga kababayan, lalo na sa mga kabataan.
“Isang karangalan na maibahagi ang kultura namin at tradisyon, kasi may nagsabi sa akin na ‘kawawa kaming mga Manobo’ kasi napag-iiwanan na ng ibang tribo. Malaking tulong din po lalo na para sa mga batang Manobo kung makikilala po ang tribo,” sabi pa ni Aljun.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.