HINDI pinalagpas ni Iñigo Pascual ang negang comment ng isang basher sa Twitter tungkol sa kanya. Tinawag siya nitong baduy at walang appeal.
Tweet ng hater ng binata, “Napaka baduy manamit ni Inigo. Kaya lalong nawawalan siya ng appeal. Di na nga gwapo ang baduy pang manamit! Ano ba yan!”
Nang mabasa ito ng Kapamilya youngstar agad siyang nag-reply ng, “At least ang dami mong napapansin sa kin. Mas okay na yun. Dami mong alam eh.
“Salamat sa lahat ng comments mo sa kin. At least alam ko na binibigyan mo ko ng time para magisip ng masasabi mo,” aniya pa. Maraming nam-bash sa nasabing netizen kasabay ng pagtatanggol sa anak ni Piolo Pascual.
MOST READ
LATEST STORIES