Promise ni Migo Adecer: Hindi na ako pasaway!


MORE work-oriented na raw ngayon ang Starstruck winner na si Migo Adecer. Imagine, after The One That Got Away eh, may kasunod na agad siyang project. Kasama siya sa Ika- 5 Utos na mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa Sept. 10.

Dati-rati ay pabandying-bandying lang sa career si Migo na mas gustong mag-surfing sa La Union kesa mag-focus sa trabaho. Eh, gaya ng ibang millennials, mahilig din siya sa gimik lalo na’t solo living siya’t malayo sa mga magulang na nasa Australia.

“Hindi na ako pasaway ngayon. Promise!” saad ni Migo sa presscon ng Ika-5 Utos.

Kung English/Taglish ang dayalog niya sa TOTGA, sa bago niyang project mas matinding challenge ang haharapin niya lalo na sa pagsasalita ng Tagalog.

“Direk Laurice (Guillen) has pushed me to the limits. It’s true. Sa personality ko.

“I know sa work ko, it’s your responsibility to give yourself to the best of your ability. So I’m gaining up all the opportunities to be a good actor,” rason ni Migo.

Bakbakan ng magagaling na aktres ang mapapanood sa Ika-5 Utos dahil magbabanggan sa screen sina Jean Garcia, Valerie Concepcion at Gelli de Belen na muling nagbabalik sa GMA after several years.

Read more...