Ayon kay Casilao hindi lang maaaring maging bansa sa kalusugan ang paghahalo ng kontaminadong bigas sa mga magandang bigas, kundi isang uri rin ito ng panloloko.
“We seriously warn the NFA against mixing up the ‘bukbok’ rice with those not infested, as it would be conscious action to defraud the poor and threat public health,” ani Casilao.
Ang bigas na may bukbok ay mas madaling mapanis. Ang bukbok ay dumudumi rin sa bigas at ito ay katulad ng itsura ng giniling na bigas na maaaring magdulot ng pagbabago ng kulay, at pagkakaroon ng amoy.
“At last, facts are being shown to the public to quell the desperate measures of government officials, to the point of luring the public to harm and fraud,” saad ng solon.
Naghain ng resolusyon si Casilao upang maimbestigahan ang 330,000 sako ng bigas na may bukbok.
Nagbabala naman si House committee on appropriations chairman Karlo Nograles sa NFA na tigilan ang paggamit nito sa pera na pambili ng palay na ipinambabayad nito ng utang.
“Kung ginagawa ng NFA yan, nothing will stop other agencies and departments from also diverting their funds elsewhere in a complete disregard of the law that was passed by this Congress called the General Appropriations,” ani Nograles. “Ang nakikita namin, perang inilaan sa inyo, ginamit ninyo pambayad ng utang imbis na pang suporta sa magsasaka, imbis na pambili ng palay.”