First script reading ng ‘Boyfriend’ nina Hye Kyo at Bo Gum nagsimula na


KOREAN word of the week: “Daebak” – nangangahulugan ito ng “Awesome,” o “Wow”. Kadalasang ginagamit ito kapag ikaw ay napahanga.

q q q

Isinagawa na noong Agosto 23 ang first script reading ng bagong romance-drama na Boyfriend starring Korean superstars Song Hye Kyo at Park Bo Gum.

Gagampanan ni Hye Kyo ang papel ni Cha Soo Hyun, na dating daughter-in-law ng isang mayamang pamilya habang gaganap naman si Bo Gum bilang si Kim Jin Hyuk, isang ordinaryong lalaki.

Marami na ang nag-aabang sa drama series na ito dahil ang scriptwriter nitong si Yoo Young Ah ang isa sa mga may hawak ng film na “Miracle In Cell No. 7”.

Kasama niya rin dito ang producer na si Park Shin Woo, na siyang nasa likod ng K-Drama na Incarnation of Jealousy.

Si Hye Kyo ay misis ng isa pang Korean superstar na si Song Joong Ki, nagsimula ang kanilang love story matapos ang kanilang blockbuster series na Descendants of the Sun.

Kabilang sa mga hit drama ni Hye Kyo ang Full House at That Winter, The Wind Blows.

Kilala naman si Bo Gum bilang bestfriend ni Joong Ki.

Sumikat nang husto si Bo Gum sa seryeng Love in the Moonlight. Bahagi rin siya ng hit drama na Reply 1988.

Read more...