Nakapaloob sa Proclamation 572 na nabigo si Trillanes na mag-aplay ng amnestiya at aminin ang kanyang kasalanan matapos ang pagkakasangkot sa Oakwood Mutiny at Peninsula Manila hotel siege noong panahon ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
“Despite former LTSG Trillanes IV’s failure to apply for amnesty and refusal to admit his guilt, his name was nonetheless included among those granted amnesty pursuant to DND Ad Hoc Committee Resolution Number 2 approved by former Secretary of National Defense Voltaire Gazmin,” dagdag pa ni Duterte.
Kasabay nito, iniutos ni Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ituloy ang mga kasong kriminal laban kay Trillanes.
Ipinag-utos din ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) at AFP ang agarang pag-aresto kay Trillanes.