Trillanes: Handa akong magpaaresto, hindi ako manlalaban

 

“MALAKING kalokohan.”

Ito ang naging deskripsyon ni Senador Antonio Trillanes sa desiyon ni Pangulong Duterte na bawiin ang amnesty na ipinagkaloob sa kanya noong nakaraang administrasyong Aquino.

Tinawag din ni Trillanes ang order ng pangulo ng “estupido”.

Ayon sa senador, tinupad umano niya ang lahat ng rekititos para makapag-avail ng amnesty.

“It’s a clear case of political persecution kasi wala silang mahanap na kaso sa akin kaya kelangang mag imbento,” dagdag pa nito.

Gayunman, handa umano siya na harapin ang pag-aresto sa kanya, at hindi umano siya manlalaban.

“I will not resist arrest. I will not escape,” ayon pa sa senador.

Read more...