Nanay ni Onyok nabawasan na ang pagiging epal, hindi na raw nakikialam sa produksyon


MABUTI naman at hindi na pala masyadong umeepal ngayon ang ina ng child actor na si Onyok.

Maganda ang role ng bagets nu’n sa Ang Probinsyano pero bigla siyang nawala, binura siya sa istorya, ang kanyang ina ang lumutang na dahilan kung bakit.

Maepal ang kanyang ina, alam naman ng produksiyon ang cut-off ng mga batang artista, pero sige-sige pa ito sa pagpapaalala.

“Palagi siyang nagmamadali, tingin siya nang tingin sa relo niya, samantalang alam naman ng production staff na pagdating nang alas dose, e, hinto na sa pagtatrabaho ang mga bata.

“Lumampas lang nang ilang minuto ang production para sa huling sequence na kailangang isarado, nakasimangot na agad ang mommy ni Onyok,” kuwento ng aming impormante.

At kapag may nadadagdag daw na child star sa matagumpay na serye ay ramdam na ramdam ang pagkainis ng ina ni Onyok.

Nagbibilang ito ng mga eksena ng kanyang anak, inaapuntahan ng inggit at insecurity, kaya minarkahan ‘yun ng produksiyon.

Pero malinaw na sa ina ng child star na ngayong nagkaroon uli ng trabaho ang kanyang anak sa ABS-CBN ay tatantanan na nito ang pagiging maepal.

“Buti naman dahil ang nakakaawa, e, ang bata. Gustung-gustong mag-artista ni Onyok, kaya dapat lang na umayos na ang mommy niya,” pagtatapos ng aming source.

Read more...