Singit ni Lovi agaw-eksena sa fashion show, muntik nang makita ang ‘pisngi ng langit’


HOT na hot na rumampa si Lovi Poe suot ang black two-piece swimsuit sa nakaraang fashion week ng local clothing brand na kanyang sinalihan. Litaw ang kanyang singit at halos sumilip na ang pisngi ng langit, huh!

Napa-wow tuloy ang ilang showbiz celebrities sa komento nila sa Instagram photo ng Primera Aktresa ng Kapuso Network.

“OMG Hotness!!!!” komento ni Iza Calzado.

“You killed the runway babe,” saad naman ni Megan Young.

“Ay teka lang naman syet!!!” komento ni K Brosas.

“Grabe ka! Cyborg perfection levels,” sabi ni Karen Davila.

“Yass,” ang one-liner comment naman ni Isabelle Daza.

Hindi naman naligtas sa komento ng bashers ang post ni Lovi. Pero gaya ng ibang intrigang dumating sa kanya, dedma lang siya sa mga hanash ng haters, huh!

Pero wala kaming nakitang komento mula sa kanyang boyfriend na foreigner. Pati sa nakaraang mga social media post ni Lovi ay waley na silang picture ng kanyang BF. Anyare?

q q q

Matiwasay namang naisagawa ang Victor Magtanggol mall show sa Gaisano mall last weekend.

Mainit na tinanggap ng Cebuanos ang lead actor na si Alden Richards pati na ang leading ladies niyang sina Janine Gutierrez at Andrea Torres, kasama pa ang kontrabida sa serye na si Pancho Magno.

Taus-pusong nagpasalamat si Alden sa mga Cebuano sa pagsugod ng mga ito sa kanilang mall show at sa lahat ng mga sumusuporta sa VM.

Read more...