Vocalist ng classic Pinoy band na Hotdog pumanaw na


PUMANAW na si Rene Garcia, ang lead vocalist ng 70’s Pinoy band na Hotdog.

Ayon sa kapatid ni Rene na si Dennis Garcia, cardiac arrest ang ikinamatay ng veteran singer.
Magkasamang binuo ng magkapatid ang bandang Hotdog noong dekada 70 na siyang nagsimula ng “Manila Sound” phenomenon sa local music industry.

Ilan sa mga OPM classic na pinasikat ng Hotdog ay ang “Manila,” “Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko,” “Annie Batungbakal” at “Bongga Ka Day.”

Isa rin si Rene sa founders ng Bandang Pinoy Co-op, isang organization na tumutulong sa mga may edad nang mga musikero para makahanap ng iba pang pagkakakitaan.

Read more...