GMA nagbigay ng P35K allowance sa empleyado

INANUNSYO ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagbibigay ng P35,000 special allowance sa mga empleyado ng Kamara de Representantes.

Ito ay bukod pa sa P5,000 grocery and meal allowance na ibinigay noong Agosto at ngayong buwan sa bawat kawani ng Kamara.

Sa flag raising ceremony, ginawa ni Arroyo ang anunsyo matapos makita ni House committee on accounts chairman at Leyte Rep. Yedda Maria Romualdez ang pondo ng Kamara.

“Well, last August, with the hard work of Accounts Committee chairman Yedda Romualdez, you received a grocery allowance of P5,000,” ani Arroyo. “This month, with the even harder work of Cong. Yedda Romualdez, I have been able to authorize the release of P35,000.”

Nagpasalamat din si Arroyo sa suporta na kanyang natanggap nang palitan niya si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang lider ng Kamara noong Hulyo.

Bumisita rin sina Arroyo at Romualdez sa Media Center ng Kamara upang batiin ang mga nagdiriwang ng kaarawan ng Hulyo, Agosto at Setyembre.

Read more...