NAG-PROPOSE na ang Kapamilya young actor na si Makisig Morales sa kanyang Filipino-Australian girlfriend na si Nicole Joson habang nasa isang restaurant sa Sydney, Australia. Nag-post ang binata sa kanyang Instagram account ng photo nila ni Nicole na may caption na: “My fiance.”
Sa panayam ng ABS-CBN kay Makisig, nakilala raw niya si Nicole sa isang gathering with friends, “She became my friend. At that time, I was at my lowest. Pero nakilala ko si Nicole and siya ulit yung nagpasaya sa akin. Eventually, I slowly fell for her and decided to tell her my feelings. Then it struck me really hard that I know she will be the one that I can be with for rest of my life.”
“Nag-propose ako sa C Restaurant na isang fine dining sa Perth. It’s a revolving restaurant na habang kumakain kayo umiikot yung buong floor ng restaurant at makikita mo yung buong Perth.”
“Kinakabahan talaga ako kasi hindi ko alam kung tatanggapin niya ang proposal ko. But praise God she did!” chika pa ng dating child star.
Dagdag pa niya sa nasabing interview, “Now I’m looking forward to planning kung kailan ang date (ng wedding). Parehas po kami blessed to have each other and masaya po ako. Baka sa Australia ang wedding.”