P.5B jackpot ng Ultra Lotto

LALAPIT sa P.5 bilyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi (Martes).

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 41-51-28-30-54-24 sa bola noong Linggo. Umabot sa P485.3 milyon ang jackpot prize sa huling bola.

Nanalo naman ng tig-P240,710 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P2,940 naman ang 1,242 mananaya na nakaapat na numero at tig-P20 naman ang 35,366 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Noon pang Pebrero 18 pa walang tumatama ng jackpot prize sa Ultra Lotto. 

Huli itong tinamaan noong Pebrero 16. Dalawang mananaya ang naghati sa P331.9 milyong jackpot prize.

Read more...