TAHASANG sinabi ni Pangulong Duterte na may pagkakataong nasosobrahan si Communications Assistant Secretary Mocha Uson matapos naman ang pinaka huling kontrobersiya kaugnay ng “Pepedederalismo” video kasama ang isang blogger.
“And si Mocha maraming kalaban. Marami siyang kalaban — maraming… Well, I don’t know but sabi ko just… Alam mo, ganito ‘yan eh. There are things na tingin ko medyo nasobrahan,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Israel.
Kamakailan, inulan ng batikos si Uson sa kontrobersiyal na video, dahilan para ipanawagan muli ang kanyang pagbibitiw.
Ipinagtanggol din ni Duterte si Uson sa pagsasabing karapatan niyang ihayag ang kanyang opinyon na pinapayagan sa ilalim ng Konstitusyon.
“But just the same as nga President who is sworn to protect the constitution and enforce it, it is covered with ‘yung privilege nila — freedom of expression,” giit ni Duterte.
“Wala tayong… Kung ano ‘yang gusto niyang sabihin, que ma-empleyado siya ng opisina ko o sa labas as a private citizen, that is not really my concern. As long as it is covered sa provision ng Constitution — freedom of expression,” ayon pa sa kay Duterte.