Relasyong Sharon-Kiko walang iwanan sa gitna ng laban

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

NAPAKA-SWEET nang ginawang pagbati ni KC Concepcion sa kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan. For the longest time, si Sen. Kiko ang nakilala at nakasama ni KC bilang ama.

Ano kaya ang naging reaction ng biological father ni KC na si Gabby Concepcion sa closeness nito sa kanyang stepdad?

Anyway, niregaluhan pa ni KC si Sen. Kiko ng isang libro. Ewan lang natin kung ano naman ang regalo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang hubby.

Labs na labs kaya ni Mega si Sen. Kiko to the point na ipinaglalaban niya ang kanyang asawa every time na binabato ng isyung korupsyon ang kanyang mister. Walang iwanan sa gitna ng laban.

With the latest development sa pag-alis ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay may bagong kapalit na siya na kumakalkal sa mga anomalya sa nagdaang administrasyon.

Handa pa rin kaya si Ate Shawie na harapin ang mga nag-aakusa kay Sen. Kiko ngayong may lumilitaw na mga isyu sa kaso ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Alam naman ng marami na isa sa kaalyadong-solid ni P-Noy si Sen. Kiko, ‘di ba?

Paano kaya kokontrahin ni Sen. Kiko ang ulat na diumano’y isa siya sa may malaking nakuhang DAP noon na hindi ipinaliliwanag. Siguradong ipagtatanggol uli ni Ate Shawie ang senador sa isyung ito.

Read more...