OBVIOUS na ni-resequence ang It’s Showtime. Kung nasusubaybayan ng madlang pipol ang nasabing noontime program, inihuhuli na nito ang Miss Q & A.
Previously, ang naturang segment comes after Tawag ng Tanghalan shortly after its first installment. Pinag-switch na ang dalawang segments.
Duda namin, ang dahilan ng switching na ito ay may kinalaman sa audience share.
Bagama’t malakas na panghatak ang TNT, we cannot discount the fact na nangangabog din nang bonggang-bongga ang sankabaklaan.
We may be no regular IS viewer, pero nakikibalita kami sa aming mga kapitbahay tungkol sa mga bayot na nangangarap i-duplicate ang feat ni Juliana Segovia na taga-Pasay City din.
Noticeably, may in-infuse na bahagi sa Miss Q & A bilang pamalit sa round kung saan paunahan ng tamang sagot sa magkatuwang na segment hosted by Vice Ganda and Anne Curtis, ang Ibi-Gay Mo Na.
Paubusan naman ng sagot ang objective ng round na ito, bawal ulitin ang nasabi na. Enumeration-type ‘baga. However, this—compared to the original mechanics—is less interesting para sa amin.
Aysus, nilalaro rin namin ‘yon ng aming barkada. Sabunot pa nga ang penalty sa hindi makakapagbigay ng sagot within the time limit.
Anyhow, Miss Q & A never fails to amuse us, kung paanong napapanganga rin kami in awe and admiration sa mga contestants na isinilang na may ma-gandang boses.
Pero ‘yun na nga, nagkabaliktad ng oras ng airing ang Miss Q & A at ang TNT, inihuli na ang mga bakla.
Mas come-on ito tiyak sa mga viewers kung paanong any fully made-up, dressed-to-the-nines showbitransgender catches the world’s attention kapag naglalakad na siya sa kalye’t humahagis ang kanyang bewang sa magkabilang gilid.
q q q
Speaking of Vice Ganda, hindi ito tungkol sa nabanggit naming segment, neither is this about It’s Showtime.
Para sa amin, isang malaking insult para kay VG na main host (and no one else) ng kanyang Gandang Gabi Vice na ang taped episode supposedly ready for airing ay nakansela just because balitang hinarang ‘yon ng ina ng kanyang guest.
Ang tinutukoy namin, obviously, ay ang promo guesting ni Sarah Geronimo. And the alleged unseen hand, dahilan para maunsiyami ang pag-ere nito, ay mismong Mommy Divine.
Balita ring nag-walk out ang ina for not liking a certain part (or parts) of the interview.
Para sa amin, kulang sa anticipation si Mommy Divine sa maaaring kalabasan ng panayam kay Sarah. VG as a naughty host is a given.
Mga tanong tungkol kay Sarah lalo’t of legal age na siya are also a given. GGV, being a non-primetime show, exercises less restrictions. At aware dito si Vice Ganda at ang buong production staff.
To us, Mommy Divine’s having the episode unaired ay senyales ng kawalan ng acknowledgement sa kakayahan ng mismong host. Also, pag-aalinlangan din ‘yon sa kapasidad ni Sarah who, we suppose, is one who knows how to carry herself with poise and grace kahit maselan o pilyo man ang itanong sa kanya.
We probably would have understood Mommy Divine’s stance kung ang anak niya’y isang menor de edad who’d put herself on the line. Eh, hindi naman.
Big deal. If there’s such a thing as bigger deal, ‘yun ‘yon.