Young actress grabe kung lumafang, nakaka-3 rice sa isang kainan


PALAGING pinagkukuwentuhan sa isang malaking network ang isang pamosong young actress na sa kabila ng kapayatan ay napakaganang kumain. Maraming natutuwa dahil nakakakain siya nang maayos pero may mga nagtatanong din kung saan niya inilalagay ang mga pagkain sa liit ng kanyang katawan.

Sobrang liit ng kanyang bewang, maliliit din ang kanyang mga braso at hita, pati ang mukha niya ay nakikisabay rin sa kaliitan.

Kaya ang tanungan ng mga nakakakita sa kanya, saan niya isinasaksak ang mga lafang, samantalang parang wala nga siyang mga bituka sa kanyang kapayatan?

Kuwento ng aming source, “May mahabang kuwento kasi kung bakit natutuwa ang mga taong nakakakita sa kanya kapag magana siyang kumain. Masasaya sila, alam kasi nila ang kuwento na nagkaroon ng time na halos hindi nakakakain si ____ (pangalan ng sikat na young actress).

“Inatake siya ng depression, ‘yun ang time na kahit gaano kasarap ang ibinibigay na food sa kanya, e, talagang hindi niya ginagalaw. As in, hindi man lang niya pinapansin, deadma siya sa pagkain.

“’Yun ang time na nagkahiwalay sila ng actor-boyfriend niya, talagang dinamdam ‘yun ng girl, mistula na nga siyang kalansay nu’n sa sobrang kapayatan dahil promise, hindi talaga siya kumakain.

“So, nu’ng magbalik na ang gana niyang kumain, e, parang nagbabawi naman siya! Sobrang lakas niyang lumafang, matindi ang appetite niya, kahit ano lang ang pagkaing ibigay mo sa kanya, e, siguradong ubos!

“’Yun ang kuwento kung bakit masayang-masaya ang mga close sa kanya kapag nakakakain siya nang maganang-ma-gana,” paliwanag ng aming impormante.

Nagtataka kasi ang ibang hindi nakakaalam ng kuwento kung bakit sobrang lakas niyang kumain, nakakatatlong kanin siya, kung minsan nga ay nanghihingi pa siya ng dagdag na kanin mula sa mga utility.

“Sana, malaman din nila ang dahilan kung bakit napakalakas kumain ngayon ng young actress, nagbabawi lang kasi siya, gusto niyang magkalaman naman ang katawan niya na payatolah!

“Ayaw niyang kimkimin ang nararamdaman niya, lantaran na talaga, kakain siya nang kakain para tumaba naman siya kahit paano,” huling chika ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, promise!

Read more...