1 buwan sweldo ni aktor pang-shopping lang ng gastadorang gf na aktres


SA hindi sinasadyang pagkakataon ay napasama kami sa get-together ng magkakaibigang konektado sa tatlong TV network at marami silang napagkuwentuhan, kasama na ang tungkol sa relasyon ng isang showbiz couple.

Kuwento ng TV executive, “Itong si ____ (kilalang aktor), hindi puwedeng mawalan ng trabaho kasi dyowa niya grabe ang lifestyle! Biruin mo, suweldo niya sa isang buwan, pang-shopping lang ni ____ (aktres). Ewan ko kung kailan siya magigi-sing.”

Hirit naman ng isa pang taga-production, “Bro, mahal niya, eh. Kita mo nga ang laki ng binago sa sarili nu’ng na-ging sila? Itong babae kasi kasi feeling rich, e, hindi naman.”

“Ang problema niyan pag nauwi sa kasalan, kaya bang i-maintain ni _____ (aktor) ang kapritso ng girl? E, nagsusustento pa siya sa pamilya niya, baka wala nang matira,” sabi naman ng isa pa.

Sa pagkakaalam namin ay mahilig mangolekta ng mamahaling bagay ang magdyowa kaya talagang ang mga taong nasa paligid nila ang natatakot para sa kanilang future.

Baka naman may mga ipon na naman sila, hirit namin. Pero sagot ng aming kausap, “Kung may ipon, e, di sana hindi na nangungutang sa mga kasamahan nila sa show.”

Wala nang clue bossing Ervin, alam mo na.

Read more...