Kris sa pagiging generous: Since pera ko naman yun na pinaghirapan, super care bears!

KRIS AQUINO

HINDI kailanman magpapaapekto si Kris Aquino sa mga bashers, lalo na pagdating sa pagtulong at pagbibigay ng regalo sa kanyang kapwa. Pera naman daw niya ang kanyang ginagamit kaya walang pwedeng kumuwestyon sa kanya.

Isa kasing netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Kris ng tungkol sa pagreregalo raw ni Kris kay Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagtatanggol nito sa kanya laban sa mga bashers.

Hirit ng netizen, “Just thinking baka ma-bash na naman kayo dahil sa pagbigay ng gift nyo kay Mega. Sabihin na naman ng iba for publicity na naman.”

Ito naman ang tugon ng Social Media Queen, “What gift are you talking about? Buti ka pa alam mong may gift akong pinadala. 2nd what makes you think that the opinion of bashers woud have an effect on my generosity? Kung may gusto kong padalhan ng anything – since pera ko naman na pinaghirapan – super care bears.”

Dagdag pa ni Kris, “Those who hate me will always choose to see the bad in me, in anything I do – but guess what I can also choose to live my life in the way I know is best for me. I have a new life motto – if they cannot say it to you in person, why take it perso-nally?”

Read more...