Jean, Gelli, Valerie patalbugan sa Ika-5 Utos

MARAMI na ang nag-aabang sa bagong pasabog na afternoon serye ng GMA 7, ang Ika-5 Utos.

Hindi pa man ito umeere ay ang mainit na itong pinag-uusapan sa social media. Komento nga ng mga netizens hindi na sila makapaghintay na mapanood ito.

Nagpapatikim na kasi ang members ng cast sa kanilang mga social media accounts ng mga mabibigat nilang eksena at masayang bonding nila sa likod ng camera.

Magbe-best friends ang mga karakter nina Jean Garcia, Gelli de Belen at Valerie Concepcion pero sa isang iglap lang ay biglang mawawasak ang kanilang pagkakaibigan. Ano kaya ang magiging dahilan nito?

Yan ang dapat abangan sa nalalapit na pagsisimula ng Ika-5 Utos sa GMA Afternoon Prime.

Read more...