Rhian nag-sorry sa netizen na tumawag sa kanya ng isnabera, pero may buwelta

RHIAN RAMOS

NAG-SORRY si Rhian Ramos sa isang netizen na nam-bash sa kanya sa social media matapos ang naganap na insidente sa premiere night ng “Goyo: Ang Batang Heneral”.

Pero kasabay nito, i-pinaliwanag ng Kapuso actress kung bakit ganu’n ang naging reaksyon niya nang lapitan siya ng nasabing netizen na gustong magpa-selfie sa kanya.

Tinawag na “snob” at “may attitude problem” ng netizen si Rhian. Tweet nito, “Grabe kala mo kung sinong maganda ka. Sana nga nagdahilan ka na lang kesa umarte ka ng ganyan. Papapicture lang may pa are you pushing me pa at nagpapa habol pa iwas snob naman ginagawa.”

Sinagot ito ni Rhian sa pamamagitan din ng Twitter, humingi muna siya ng paumanhin sa netizen bago nag-explain ng kanyang side, “You also have to understand that for anyone, kahit hindi actor, it can be scary to be held, pushed or pulled by a stranger.

“That’s why anyone else who just asked me got a photo. It was a question, not an accusation. I’m sorry, you scared me.”

In fairness, nag-sorry din ang netizen sa aktres dahil kinuyog din siya ng mga supporters nito. Marami ang nagsabi na wala raw siyang kara-patang magalit dahil hindi naman event ni Rhian ang premiere night ng “Goyo”.

Komento pa ng isa, “Hey grabe ka makapanghusga ah, kaw kay sa kalagayan ni rhian do you think mapapansin mo lahat ng tao? Mag isip ka muna bago ka magpost ng ganito. Nakaka bad trip ka.”

Inawat ni Rhian ang mga nang-aaway sa netizen at nagsabing, “It’s okay, i dont think anyone is wrong or right here, were all entitled to our feelings. im just explaining cause theres a misunderstanding but theres no need to fight or anything, thank you (p.s. at least i know who to call if there IS need to fight).”

Read more...