Paglipat ni Regine sa ABS-CBN gulatan na lang; inaabangan na ang pagbirit sa ASAP

OGIE AT REGINE VELASQUEZ-ALCASID

AYON sa aming source ay gulatan na lang daw ang mangyayari sa paglipat ng Asia’s Songbird sa ABS-CBN. Sa ngayon ay wala pang kumukumpirma sa paglundag sa kabilang bakod ni Regine Velasquez pero kung paniniwalaan namin ang pahayag ng aming source ay matagal na palang niluluto ang kanyang paglipat sa Dos.

Magaling lang daw magdala sina Regine at Ogie Alcasid, pero nu’n pa man ay meron nang ganu’ng plano, hindi lang nila ipinagmamakaingay.

May dalawang shows si Regine sa GMA 7, kung kailan ‘yun tatapusin ay malapit na raw, dahil naghihintay na ang mga gagawing programa sa ABS-CBN ng singer-actress.

Sabi ni prop, ang kaibigan naming nakatutok sa mga nagaganap sa showbiz, “Naku, ang sarap-sarap panoorin ng ASAP pag nagkataon. Digmaan ng mga diva ‘yun! Sa totoo lang, ako man si Regine, e, mas gugustuhin kong magtrabaho sa isang network na ibibigay ang lahat ng kailangan niya.

“Walang musical variety show ngayon ang GMA 7, ‘yun ang balwarte ni Regine, ihino-host lang naman niya ngayon ang The Clash. Wala siyang regular venue for her talent.

“Kung lilipat siya sa ABS-CBN, nandu’n ang lahat ng hinahanap niya. Nandu’n pa ang husband niya, kaya ang feeling ko, pagbalik ni Regine from her US concert tour, e, sa ABS-CBN na ang tuloy niya,” pag-aanalisa pa ni prop.

Read more...