Bulag na TNT finalist sinungaling daw kaya iniwan ni misis? | Bandera

Bulag na TNT finalist sinungaling daw kaya iniwan ni misis?

Alex Brosas - September 02, 2018 - 12:40 AM


A post by theater director named Paul Ballano went viral as it said na hindi pa raw nakukuha ni Carlmalone Montecido ang kanyang premyo sa “Tawag ng Tanghalan.”

At first, naawa ang netizens sa blind singer dahil sa kalagayan ng buhay nito pero gaya ng ibang post na nagiging viral, umani rin ito ng batikos lalo na nang mag-comment na rito ang asawa ni Carlmalone na si Cris Montecido.

Cris made public her gigil and sama ng loob sa comments at sinabi pang nagsisinungaling raw ang asawa niya at ang ina nito. Hindi raw totoo ang sinasabi ng mag-ina at sila daw ang tunay na dahilan kung bakit hindi pa nakukuha ang talent fee ni Carlmalone.

“Kilala ko po yan. Asawa ko po ‘yan. Alam ko ang totoo. And even God knows the truth. Magaling lang talaga silang gumawa ng kwento. Nakakalungkot lang na ginagamit pa nya ang kapansanan nya para makakuha ng simpatya ng mga tao.

“Yes, they are liars. Most of the statements kasi ng nanay hindi totoo. Sila ang hindi nag-aasikaso. Ang prize nya sa TNT nakuha nya na. Kung meron mang di pa sya nakukuha is ‘yong TF nya yon sa naging concert nila dati. Kukunin na lang dapat sa ABS,” said Cris who revealed that she’s pregnant now ngunit pinili niyang iwan ang asawa at umuwi sa Bicol dahil hindi na niya matagalan pa ang pagsisinungaling ng ina ni Carlmalone.

“Kung tutuusin kasal na kami ngayon ni Carl at buntis pa ako ngayon, mas may karapatan dapat ako dyan dahil may responsibilidad sya sa akin. Pero okay lang. Kanila na yan. Anyway, my baby is a blessing,” chika ni Cris.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Carlmalone at ng kanyang pamilya sa mga akusasyon ng kanyang asawang nagdadalang-tao ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending