Jessica Soho may bagong award na naman

TUNAY ngang nakaka-proud ang achievements ng Kapuso broadcast journalist na si Jessica Soho.

Recently nga ay nadagdagan ang mga award under her belt dahil tumanggap siya ang Gawad Plaridel—Outstanding Journalist Award mula sa UP Mass of Communication. Balita namin, siya ang kauna-unahang Mass Comm alumna na nagkamit nito.

Mas marami pa nga raw ang na-inspire na sundan ang yapak ni Jessica nang marinig nila ang kanyang mensahe sa mga kabataan—lalo na sa aspiring journalists—noong tinanggap niya ang kanyang award.

Habang pinasasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanyang karera, sinabi ni Jessica ang dalawa sa pinakamahalagang aral na natutunan niya sa pagiging isang reporter—ito ay ang pagpapahalaga sa pagtaguyod ng katotohanan at pagtatanggol sa integridad ng kuwentong iyong ibinabahagi.

Iisa lang ang sinasabi ng mga nakapanood na ng excerpt ng speech ni Jessica: Deserving talaga siya sa ganitong klaseng parangal.

Read more...