Fans ni Kris kinastigo ang mga bashers na walang ginawa kundi mangnega

ISA-ISA naming binasa ang 328 comments (16 hrs ago as of this writing) ang video post ni Kris Aquino sa Instagram kung saan ipinakita niya ang magaganda at maliliwanag na ulap, mga punong nasa tabi ng dagat na kung hindi kami nagkakamali ay siyang tanawin mula sa kanilang hotel.

Ang caption ni Kris sa IG video, “’Got a chance to start again. I was born for this, born for this. It’s who I am, how could I forget? I made it through the darkest part of the night. And now I see the sunrise. Now I feel glorious, glorious…’ (In our #happyplace for health & wellness… Embracing SERENITY & PEACE.)”

Nahulaan agad ng followers ni Kris kung nasaang bansa sila at iisa lang ang mensahe nila, magpagaling siya at magpahinga at dedmahin ang lahat ng bashers.

Oo nga, ang dami-dami pa ring umaaway sa Queen of Online World and Social Media, tila hindi kumpleto ang araw ng bashers kung hindi nila naaaway si Kris.

At hindi na kailangang sumagot pa ni Kris sa haters dahil may mga nagtatanggol na para sa kanya. Kaya huwag na siyang magpaapekto at mag-enjoy na lang sa “happy place” nilang mag-iina.

Sa mga bashers, try n’yo kayang tumahimik kahit isang araw lang at huwag magbukas ng social media, makikita ninyo ang sarap sa pakiramdam na tahimik ang buhay. Sabi nga ni Kris kung nasaan man siya ngayon, “The world is quiet here.”

Read more...