‘Balut’ video ni Lloydie may ipinaglalaban

VIRAL ngayon ang video ni John Lloyd Cruz kung saan mapapanood ang pagkain niya ng balut sa gilid ng kalye kasama ang comedian na si Jun Sabayton. Mukhang enjoy na enjoy pa rin ang aktor sa kanyang simpleng buhay na malayo sa mundo ng showbiz.

Bukod dito, kumalat din sa social media ang litrato ni Lloydie habang bumibili ng prutas.

Ayon sa Facebook post ng isang fruit vendor, bumili ng durian ang aktor para sa kanyang partner na si Ellen Adarna.

Caption ng photo, “A sweet and handsome guy drop by at our store to buy fresh durian for Ms. Ellen. He even watch how to open our fresh fruit. Thanks for stopping by John Lloyd Cruz. #OurCelebritySuki.”

Read more...