Premiere night ng ‘Goyo’ sa 4 na sinehan

PAULO AVELINO

ISA si Bea Alonzo sa nakita naming um-attend sa red carpet premiere ng pelikula ni Paulo Avelino na “Goyo: Ang Batang Heneral” sa SM Megamall Cinema 9 nitong Huwebes.

Nakita namin ang aktres sa ladies room ng sinehan at paglabas ay saka siya nakapanayam ni Mario Dumaual ng TV Patrol.

“To support Paulo that’s why I’m here,” sagot ni Bea nang tanungin siya kung sino ang sinusuportahan niya sa movie.

Naging malapit na magkaibigan sina Paulo at Bea dahil sa teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na umere noong 2014 at sa pelikulang “Kasal” na ipinalabas naman nitong Mayo, 2018 mula sa Star Cinema.

Inakala ng lahat na nagkaroon ng ugnayan ang dalawa pero mariin itong itinanggi ni Paulo dahil may kasintahan siya noon habang si Bea naman ay nali-link kay Gerald Anderson.

Going back to Bea, masaya niyang ikinuwento na matagal na pinaghandaan ni Paulo ang “Goyo”, “He’s very much excited about the film and matagal niyang pinaghandaan talaga ito kaya sinusuportahan ko siya.”

Walang teleseryeng gagawin si Bea para sa 2018 dahil puro pelikula raw muna siya. Tinatapos niya ngayon ang pelikula nila ni Aga Muhlach mula sa direksyon ni Paul Soriano.

Samantala, nakita rin si Gerald sa red carpet premiere ng “Goyo” pero hindi namin nakitang magkasama sila ni Bea.

Speaking of “Goyo”, apat na sinehan sa Megamall ang kinuha ng TBA Studios, Globe Studios at Artikulo Uno pata sa premiere night ng kanilang pelikula. Ito’y para ma-accommodate ang lahat ng inimbitang bisita at mga kaanak ng mga nagsiganap sa historical movie ng taon.

Read more...