NAGHAHANAP ng aksiyon ang mga tagapanood ng matagumpay na Ang Probinsyano. Bakit daw ganu’n?
Nakitira ang grupong Vendetta na kinabibilangan ni Ricardo Dalisay sa isang pamilyang mahirap pero wala naman silang ginawa kundi ang matulog at kumain lang?
Sabi ng aming anak-anakang si JVN, “Ano ba ‘yan? Palagi lang silang natutulog, tapos, kumakain, akala ko ba, e, mahirap lang ang tinuluyan nilang pa-milya?
“Bakit palaging eksenang kumakain ang napapanood? Sana naman, e, tulad nang dati na merong mga bakbakan!”
Kung wala nang ligtas na artista ngayon sa social media dahil sa kaliwa’t kanang bashing ng mga walang magawa ay hindi na rin ligtas ngayon ang produksiyon sa mapanuring panlasa ng manonood.
Kailangang malinaw ang takbo ng istorya, dapat ay makatotohanan ang mga tagpo, dahil nand’yan ang mga kababayan nating mapagpansin sa kabuuan ng kuwento.
Pagtatanggol naman ng kaibigan naming propesor, “Siyempre naman, pagkatapos ng super-madugong upakan, e, nagpapahinga rin ang mga sundalo, di ba? Alangan namang upak lang sila nang upak, pinagpaplanuhan siyempre nila ang mga susunod nilang hakbang.
“Ang importante, e, nakatutok pa rin ang buong bayan sa Ang Probinsyano, si Coco Martin pa rin ang mayhawak sa leeg ng manonood, walang iba,” komento pa ni prop.
Maapektuhan ba?