Sulat mula kay Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako kaya lang hindi ko siya masyadong mahal, lagi ko kasing naaalala ang first love ko. Naputol ang aming relasyong ng first love dahil umuwi siya sa probinsiya, pero nangako siyang babalikan ako, ang kaso umabot na ang isang taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabalik. Kaya nakipag-boyfriend ako sa ibang lalaki sa pag-aakala kong makalilimutan ko na siya. Gusto ko pong itanong kung babalikan pa kaya ako ng una kong pag-ibig at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami? Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend, kasi hindi ko naman siya talagang mahal. Tama ba ang gagawin ko?
Umaasa
Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Cartomancy:
Ang barahang Jack of Hearts, Ace of Diamonds at Eight of Hearts ang nagsasabing ngayon ka na makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend, upang sa taon ding ito sa buwan ng Agosto, sa sandaling bumalik ang first love mo, tuluy-tuloy na uling mabuo ang nausyami ninyong masaya at romantikong relasyon.
Itutuloy…..
Di tunay na mahal
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...