2 binatang anak ni BENJIE PARAS kay JACKIE FORSTER na-trauma, ayaw nang makita ang ina

Nagulat si Benjie Paras sa naging reaction ng isa niyang anak sa isang interview wherein he asked na bigyan sila ng space ni Jackie Forster, ang kanilang ina. Sinabi pa ng anak ni Benjie na si Andre na na-trauma sila sa piling ng kanilang ina.

“Hindi ko rin ine-expect pero ang sinasabi ko sa kanila as much as possible try to avoid answering questions. Sila kasi, on their part, hindi na sila bata na ‘pag pinagsabihan mo, ‘Yeah’.

Because of too much technology now lalo na social media sometimes ang mga bata basta may gustong sabihin they will just go in their rooms and ‘yun na, they will start chatting and gagawa ng tweets,” reaction ni Benjie na isa sa cast members ng latest series ng ABS-CBN na Got To Believe.

Although pinagsasabihan naman niya ang kanyang mga guwapong anak, minsan ay nakalulusot pa rin.  “Kapag merong minsang nababalitaan ako na nakalagpas sa akin, sinasabi ko na burahin n’yo, its not good.

“Sinabihan ko lang naman sila na wala naman tayong magagawa na you were put on the spot. Naintindihan ko naman. Next time na lang, parang sagot ng showbiz na no comment (ang isagot n’yo),” sabi pa ng dating PBA player.

Through social networking site ay sumagot si Jackie at nagpahayag ng kanyang sama ng loob sa kanyang mga anak at pati na rin kay Benjie. The basketball player and comedian chose to keep mum on the issue.

“Lagi naman, ever since tumatahimik lang ako, hindi naman ako nagsasalita kasi ‘pag nagsalita ka parang lumalala. So kung ano ang gagawin niya, okay lang sa akin. Ang para sa akin lang, masaya ako, masaya kaming pamilya.”

He denied that he influenced his sons’ decision na ‘wag makipagkita sa mga anak. “‘Yung mga anak ko ang magde-decide diyan kasi ako po ang napapasama, na ako ang me ayaw.

Hindi po ako ang me ayaw. Matatanda na ang mga anak ko at maraming nakikisawsaw na mga taong matatalino masyado sa social media,” esplika niya.
Ayon sa komedyante, social media is not serving its purpose. “Alam mo kasi ang social media para sa akin is to promote a product, a show or something. Maraming bobo rito, eh.

Pasensiya na po, pero maraming matatalino, feeling matatalino na sumasawsaw. ‘Yung mga anak ko ay matatanda na. Ang mga bata ay hindi mo puwedeng turuan ‘yan kung ano ‘yung sasabihin nila.

Marunong na silang magsalita, me sarili na silang buhay, may sarili na silang pakiramdam  so kung anuman ‘yung ginagawa nila ay sila ang magde-decide.”

Inamin ni Benjie na may mga showbiz offers ang kanyang anak. Kung siya ang masusunod, mas gusto niyang ang panganay niya ang maunang pumasok sa showbiz.

“Sa akin lang, ‘yung panganay muna kasi my second son is still in high school so ‘yung schedule niya is fixed, morning ‘til afternoon then may practice siya. ‘Yung college boy ko  naman is more flexible ang schedule,” Benjie told us.

Read more...