Tambalang BONG REVILLA-BONGBONG MARCOS naghahanda na sa 2016 Presidential Elections

MARAMI talagang supporters si dating pangulong Joseph Estrada dahil tinalo niya ang Iron Man ng Manila na si Fred Lim sa pagkaalkalde. It was a tough bout for the two last elections pero win pa rin ang dating action star – along with another former actor as Vice-Mayor – ang love nating si Isko Moreno.

“Nakakaloka si Erap sa speech niya. Ibinalik na naman niya ang mga ‘walang kama-kamag-anak, walang kaibi-kaibigan’ echos niya. He talked about corruption at kung anik-anik pa.

Nakakatawa. Meron pa siyang comparison sa pagkakulong niya. “Katulad daw siya nina Mandela at dating senador Ninoy Aquino. Ano kaya iyon? Hindi ba niya alam na kaya nakulong ang dalawang iyon dahil sa pagmamahal sa bayan, hindi dahil sa kasong pandarambong?” ang mabigat na sabi  ng isang singer-comedian.

Ganoon talaga, eh. But you know, Erap is well-loved by Manileños despite what happened to him. Lahat na ng paratang sa mundo ay inabot niya pero heto siya, still sitting on his laurels.

There must be something about him na talagang minahal ng mga tao – that charm na kanyang-kanya lang. Not even his children possess that charm, kitang-kita naman, di ba? If Sen. Jinggoy has that Erap charm, baka masungkit na nito ang pagka-Vice-President sa 2016, di ba?

“Ha? Tatakbo na ba talaga si Jinggoy for VP sa 2016? Sure na ba iyan?” tanong ng kausap naming comedian-singer. Balitang-balita na, ano ka ba? That Jinggoy is running with Binay as president naman.

Makakalaban nila ang tambalang Sen. Bong-Revilla at Sen. Bongbong Marcos. At least, hindi makakatapat ni Jinggoy si Bong dahil ito ang tatakbong pangulo. Iyan ang kumakalat na balita. In fact, nagsimula na raw magparamdam sa buong bansa sina Binay at Jinggoy.

“Malabong manalo si Sen. Jinggoy pag hindi niya binago ang style niya sa pakikitungo sa tao. Malayong-malayo naman siya kay Bongbong. Na-miss ng mga tao ang mga Marcoses kaya huwag pakakasiguro si Jinggoy.

Wala nga siyang charm ng kanyang ama na kahit nakulong na, hayon at nanalo pa ring mayor ng Manila.  “Buong pamilya namin ay balik-Marcos.

Napagod na kasi kami sa style ng mga Aquino, ng mga Estrada, ng Arroyo, ng Ramos at kung sinu-sino pang mga nakaka-disappoint na Pinoy leaders kuno. Lahat nagpapayaman lang.

Kaya malabong manalo si Jinggoy,” dagdag pa ng kausap namin. Anyway, balik-Erap na lang tayo, baka kung saan pa  mauwi ang kuwentuhang ito. Ha-hahaha! Ang wish lang ng mga taga-Manila ay maayos ni Erap ang kalagayan nilang lahat.

Kasi nga, ipinagkatiwala na naman nilang muli ang kinabukasan nila sa mga Estrada.  Kami naman, we just wish this country well. Wala na namang pag-asang lilinis pa ang takbo ng pulitika natin eh, ang ipagdasal na lang natin ay they won’t make it life too hard for all of us.

Yung makaraos na lang hanggang sa mapagtapos natin ang mga supling natin sa kanilang mga pag-aaral – yung merong makain sa ibabaw ng mga mesa natin at wala lang nagkakasakit.

Pero yung asahang mababago pa ang kulay ng pulitika sa Pilipinas, that’s far-fetched. Kahit sampung Erap pa ang uupo sa Manila, hindi na guarantee pang mababago ang mukha ng pulitika sa bansa.

Read more...