ENRIQUE kay JULIA: Para siyang lalaki, walang arte!

Inamin ni Enrique Gil na malaking pressure sa kanya ang bagong titulong ibinigay sa kanya ng ABS at Dreamscape Entertainment TV bilang The Next Ultimate Leading Man.

“Nagulat  ako! Siyempre parang make or break ito, e, kung anuman ang mangyari sa show. So, ang gagawin ko lang is to always do my best.

“Sobrang saya ko lang na after Princess And I, ito na yung pinakamalaking show na nagawa ko. Parang eto na yung susunod tapos nag-level up pa. Kaya ulit natin ito. Feeling ko, kaya naman. I’m confident,” sabi ng binata.

Natanong naman si Enrique kung ano ang feeling na sila naman ni Enchong ang magkaagaw ngayon kay Julia sa nasabing serye? “Sanay na naman ako sa love triangle since galing ako sa Princess And I.

Pero yun lang, kailangan lang nandu’n yung chemistry sa inyong tatlo para mag-work yung love triangle.” Paano niya ilalarawan ang dalawang co-stars niya?

“Si Julia kasi, kumpara sa ibang babae, hindi siya yung tipong iisipin mo, ‘Ano kaya ang gugustuhing sorpresa nito?’ Parang siya, kahit anong ibigay mo, maa-appreciate niya. Hindi siya maarte.

Para siyang lalaki in a way, one of the boys. Mas gusto ko iyon, e, relax lang. “Si Enchong naman, okay kami, tinginan lang alam na namin ang ibig sabihin. May something kami ni Enchong na kami lang ang nakakaintindi.”

Read more...