KARLA ESTRADA pinagbawalan ni DANIEL na ibuyangyang ang BOOBS

Sobrang natutuwa si Karla Estrada at anak nitong si  Daniel Padilla bilang kauna-unahang celebrity endorsers ng Lily’s Peanut Butter na nagse-celebrate na ng kanilang ika-60 years.

Sa ginanap na presscon ng Lily’s ay natanong si Karla sa kumalat na balitang hindi boto si Daniel sa boyfriend daw niyang basketball player na si Mark Caguioa.

Napakunot noo si Karla nang lumabas ang pangalan ng lalaki dahil unang-una ay hindi niya kilala ang basketbolista at kinailangan pa niyang i-search sa YouTube kung sino ito at kung guwapo ba.

“Unang-una, hindi ako nanonood ng basketball, pero ‘yung mga anak kong lalaki, talagang sobra silang basketball fanatic. So, nakakatawa lang,” bungad ni Karla.

At natawa pa raw ang aktres na pinangaralan pa siya nu’ng nagsulat tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend, “Hindi ba parang, mali ka na nga, nangaral ka pa.

Teka lang. Tapos, parang naikumpara ako sa isang artista. Hindi maganda. Wala tayong karapatang magkumpara ng ganu’n,” katwiran ng mama ni Daniel.

Kinlaro rin ni Karla ang nasulat na nag-show ng lasing si Daniel sa harap ng 20,000 katao, “Unang-una, wala siyang pinag-performanan na mayroong nanood na 20,000. Bongga sana ‘yun kung totoo.

So, walang katotohanan at ang mga bagay na ganyan ay pinalalampas na lang namin.” Naniniwala si Karla na hindi magagawa iyon ng anak dahil sa araw-araw na pag-alis ni Daniel ng bahay ay busog sa pangaral ang batang aktor.

“Everyday, sinasabihan ko siya na anak, pag lumabas ka ng bahay, ang number one (na bilin ko) is huwag kang nagpapasama ng loob ng ibang tao.

And kung gumawa ang anak ko (ng kasalanan) bilang hindi naman siya perpekto, tao lang din, so hindi natin mape-perfect lahat ‘yan, so kung gumawa siya ng mga bagay na wala ako sa tabi niya, eh siya na ang haharap na responsable sa mga bagay na ganu’n.
“‘Yung sinasabi kong huwag siyang nagpapasama ng loob ng ibang tao, ang daming magiging dahilan nu’n, ma-late ka, maghihintay sa ‘yo, hindi ka nag-smile, hindi ka nagpa-picture, lahat-lahat ‘yan kasi maraming dahilan, eh.

So, isa lang ang lagi kong sinasabi sa kanya. “But of course, tao pa rin ‘yan, ano? Hindi nga nagiging perfect, napapagod din. So, sa ganu’ng bagay, intindihin na ng ibang tao sana minsan.

Ang mahirap kasi minsan, mas hinahanapan natin ng mali, eh,” paliwanag mabuti ng ina. May sariling mundo na raw si DJ (palayaw ni Daniel) at hindi pinapayagan ni Karla na mag-isa lang ang batang aktor sa mundo niyang ito, kaya lahat ng nakagawiang gawin niya sa binatilyo tulad ng paghalik ay ginagawa pa rin niya.

“Eh minsan, hindi ko mapigilan dahil talagang kasi panganay, eh sobrang cuddly talaga ako sa mga anak ko. Ayaw na niya. Minsan, sasabihin ko, ‘Baby, ganyan, ganyan.’ Naba-bad-trip na siya,” kuwento ni Karla.

“So, eto ngang commercial namin (Lily’s Peanut Butter), talagang hindi niya ‘to kinakaya. Talagang sabi niya,  ‘My God, ma! Huwag kang makulit, ha!’ Sabi ko naman, hindi, kaya ko ‘yan, anak.”

Sa nakaraang presscon ay dapat naka-plunging neckline ng damit si Karla pero pilit daw siyang pinagpalit ng damit ni Daniel dahil nga kita ang malulusog niyang dibdib, “Nagagalit, magpalit daw ako ng damit, kaya heto, balot na balot ako,” natawang sabi ng aktres.

Dagdag pa ng aktres, “Kahit sa akin, ayaw niya ng masyadong maiksi (ang damit). Minsan, pag nagtatawanan kami ng mga friends ko sa bahay, sasawayin niya kami, hindi nahihiya eh mga tita niya ‘yun.

Sasabihin niya, ‘Ma, ang lakas ng tawa n’yo!’ Mga sisters niya, bawal mag-shorts or nakabukaka!” natatawang kuwento pa ni Karla tungkol kay Daniel.

Samantala, hindi naiwasang hindi tanungin ang tungkol sa lovelife ni Daniel at paano niya ito pinapangaralan? “Not really very strict kasi bata pa, ayoko namang ang pag-uusapan namin lagi at pagsisimulan ng conversation eh ‘yung love life.

So, I want it very light lang at saka ‘yung medyo maluwag.”  “Si Kathryn (Bernardo) lang naman ang babae ngayon sa buhay niya na nakakasama niya in terms sa trabaho.

Huwag kayong mag-alala dahil laging kasama ni Kathryn ang nanay niya, 24 hours hindi katulad ko,” pagtatapat ng aktres.

Read more...