KRIS, JAMES parehong natameme, natatakot makasuhan ng korte

TAMEME ang kampo ni James Yap sa media na nakaabang sa labas ng korte pagkatapos dinggin ang kaso nila na Declaration of Nullity of Marriage  ng Queen of All Media na si Kris Aquino. May gag order kasi ang korte  na hindi na sila puwedeng magsalita.

Kasamang dumating ni Kris sa korte ang anak nila ni James na si Bimby at panganay na kapatid na si Ballsy Cruz. Pinag-usapan din siyempre ang latest isyu sa dating mag-asawa na visitation rights kay Bimby ni James.

At least, nagkita na finally ang mag-ama. Speaking of Bimby, walang tigil ang pamamasyal ni Bimby in and out of the country with her mom para sa morning show niya na Kris TV.

After ng Malaysia at Singapore trip ng mag-iina na ipinalabas sa Kris TV, balik-pasyal naman sila sa Pilipinas.  Last Monday sa Pangasinan nagpunta si Kris with her kids plus ang guest co-host niya na si Kim Chiu.

Nag-join si Kim kay Kris for Kris TV bago namatay ang kanyang ina. Super tsika si Bimby kay Kim habang nagto-tour sila sa simbahan ng Manaoag sa Pangasinan. Parang host na rin talaga ng show ang bagets, huh!

Nag-wish naman si Bimby noong magsindi siya ng candle na humaba ang buhay ng mama niya. Sa tinuran ni Bimby para kay Kris, na-curious tuloy kaming malaman kung naisip o naalala kaya ni Kim ang kanyang ina na may sakit during that time.

For sure, kung naalala ni Kim ang mama niya  kukuha rin siya ng kulay peach na candle at sisindihan niya sa loob ng simbahan sabay wish ng long life for her  mom na kasalukuyang nasa ospital na pala noong mga sandaling ‘yon.

Anyway, nailibing na nga ang ina ni Kim noong Linggo at okey na sila ng kanyang ama. Ika nga, everything happens for a reason.

Read more...