Di tunay na mahal | Bandera

Di tunay na mahal

Joseph Greenfield - July 04, 2013 - 01:30 PM

Sulat mula kay Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako kaya lang hindi ko siya masyadong mahal, lagi ko kasing naaalala ang first love ko.  Naputol ang aming relasyong ng first love dahil umuwi siya sa probinsiya, pero nangako siyang babalikan ako, ang kaso umabot na ang isang taon, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabalik.  Kaya nakipag-boyfriend ako sa ibang lalaki sa pag-aakala kong makalilimutan ko na siya. Gusto ko pong itanong kung babalikan pa kaya ako ng una kong pag-ibig at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na sa kanyang pagbabalik ay magpapakasal na kami? Balak ko na kasing makipag-break sa kasalukuyan kong boyfriend, kasi hindi ko naman siya talagang mahal. Tama ba ang gagawin ko?
Umaasa
Jelly ng Dangcagan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
  Iisa lang ang malinaw at matinding Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad.  Ibig sabihin, kung sino ang minahal mo ng tunay at tapat, naramdaman mo talaga ang presensiya niya sa kasalukuyan at  kahit wala na siya ay lagi mo rin siyang na-aalala, sa bandang huli, ang lalaki ngang iyon, na tunay mong minahal, siya na rin mapapangasawa at makakatuluyan mo.
Cartomancy:
Ang barahang Jack of Hearts, Ace of Diamonds at Eight of Hearts ang nagsasabing ngayon ka na makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend, upang sa taon ding ito sa buwan ng Agosto, sa sandaling bumalik ang first love mo, tuluy-tuloy na uling mabuo ang nausyami ninyong  masaya at romantikong relasyon.
Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending