Ginebra Gin Kings sisimulan ang title defense kontra Columbian Dyip


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. TNT vs Phoenix
7 p.m. Barangay Ginebra vs Columbian

UUMPISAHAN ni Justin Brownlee at Barangay Ginebra Gin Kings ang pagdepensa ng kanilang korona sa pagharap sa Columbian Dyip sa 2018 PBA Governors’ Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Manggagaling ang Gin Kings at Best Import awardee na si Brownlee sa tagumpay kontra San Miguel Beermen sa nakalipas na Commissioner’s Cup finals.

Sa pagbabalik ni Brownlee sa koponan ngayong kumperensiya, puntirya ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na korona sa Governors’ Cup kung saan binigo nito ng dalawang beses ang Meralco Bolts sa finals sa nakalipas na dalawang season.

Masusubukan ang husay ni Brownlee kontra kay Akeem Wright, ang high-scoring import ng Dyip na habol pa rin ang panalo matapos ang tatlong laro sa kanilang laban na gaganapin ngayong alas-7 ng gabi.

Read more...