Dating ‘Split Queen’ nanawagan kay Coco: Sana bigyan niya rin ako ng trabaho sa Probinsyano!

MYSTICA AT COCO MARTIN

Nakiusap ang tinaguriang “Split Queen” noong dekada 90 na si Mystica na sana’y bigyan din siya ni Coco Martin ng chance na makapagtrabaho sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nag-viral ang panawagan ni Mystica, o Ruby Villanueva in real life sa ABS-CBN at kay Coco na tulungan siyang makabalik sana sa showbiz.

“Matagal ko na po gustong lumapit dahil alam ko pong matulungin si Coco Martin e, kaso nahihiya po ako. Pagkatapos ko po kasing kutyain ng mga tao after the Duterte viral video, ayaw ko na po na umaga, tanghali, gabi na puro negative comments na naman, which is ganu’n na po ang nangyayari ngayon, magmula nang mag-post ako ng tulong sa Facebook,” sabi ni Mystica sa interview ng ABS-CBN News.

Sana raw tulad nina Whitney Tyson at CJ Ramos ay makapag-guest din siya sa mga susunod na episode ng FPJ’s Ang Probinsyano , “Sana naman po ay bigyan ako ng pagkakataon, kasi ‘yun na lang po ang natatanging kayamana ko, ‘yung talent ko.”

Tanging pagtitinda ng fried chicken ang ikinabubuhay ngayon ng dating singer.

Read more...