GOOD day,
Anak po ako ni Mrs. Ma. delfina Abejaron, survisor pensioner ng SSS ng yumaong Prisco Opada Abejaron, SSS no. 0706039757, tanong ko lang po f intitle ba si ma. delfina na mkatangap ng adjustment, at may backpay ba, yung tatay ko na si prisco opada abejaron, namatay at the age of 69 na hindi siya nakapagfile ng retirement nung nag 60 siya,
kasi kailangan niya ng pera ngayon dahil may sakit si ma. delfina abejaron..
Sana tulungan nyo ako kung ano ang dapat gawin namin..
Salamat po.
mary grace
Ito po ay bilang tugon sa inyong email kung saan itinatanong ninyo kung makakatanggap ba ang inyong ina ng adjustment sa pensiyon.
Batay sa aming records, ang inyong ina ay nagsimulang magpensiyon sa SSS noong December 2009 dahil sa pagkamatay ng inyong ama.
Ang pensiyon adjustment ay nangyayari lamang kung makikita ng SSS, matapos ang manual verification ng kontribusyon para sa mga taong 1985 hanggang 1989, na may dagdag na hulog at credited years of service. Dahil sa ang inyong ama ay naghulog sa SSS hanggang July 1985 lamang, hindi kasama ang pensiyon ng inyong ina sa mga ni-review ng SSS para sa adjustment.
Mula Enero 2017, nagbigay ang SSS ng dagdag na P1000 na benepisyo sa lahat ng pensiyonado nito. Kung kaya’t mula sa dating buwanang pensiyon ng inyong ina na P1260, ang natatanggap na niya ngayon buwan buwan ay P2260.
Nabanggit din ninyo na hindi nakakuha ng benepisyo sa pagreretiro ang inyong ama. Batay sa aming records, dahil 46 buwan lamang ang hulog ng inyong ama, hindi po siya mabibigyan ng panghabambuhay na pensiyon kung sakaling nag-file siya noong mag-60 taong gulang siya. Ang mga miyembro lamang na may hindi bababa sa 120 buwanang hulog, umabot na sa 60 taong gulang, at wala nang pinagkakakitaan ang nabibigyan ng panghabambuhay na pensyon.
Para sa inyong kaalaman, ang kabuuang 46 buwanang hulog ng inyong ama na nagkakahalaga ng P222.60 at ang haba ng panahon na siya ay naging miyembro ng SSS ang naging basehan ng pensiyon ng inyong ina. Sa ngayon umabot na sa P151,320.00 ang halaga ng pensiyong naibayad ng SSS sa inyong ina.
Sana po ay nabigyan namin na linaw ang inyong katanungan.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department
Noted:
Ma. Luisa P. Sebastian
Department Manager
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.