Aktor natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang isang aktor na gumanap sa mga teleserye, sa loob ng kanyang bahay sa Silang, Cavite, nitong Miyerkules.

Nakilala ang nasawi bilang si Arnold Corpuz, 38, residente ng Brgy. Biga 1, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Si Corpuz ay gumanap sa ilang teleserye, na kinabibilangan ng “Ang Probinsyano” at “Bagani.”

Nadiskubre ng mga kaanak ang mga labi ni Corpuz dakong alas-3:30 ng hapon, nang bumisita sa kanyang bahay.

Sinadya umano ng mga kaanak si Corpuz dahil dalawang araw na itong nasa loob ng bahay.

Nakahandusay sa sahig at halos walang saplot si Corpuz nang matagpuan, ayon sa ulat.

Nakita rin sa kanyang tabi ang isang gunting, na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa aktor, ayon sa pulisya.

Read more...