Nadine imbiyerna sa JaDine fan na nagkakalat ng kanegahan

NADINE LUSTRE

NA-BASH ang Viva Films dahil sa hindi maayos na seating arrangement na ibinigay kay Nadine Lustre sa isang premiere night.

“Pakiayos na din seating arrangement nyo sa next premiere night. Baka naman sa premiere
night ng next movie ni Nadine or James, wala pa ding designated seat para sa kanila. Kaloka kayo,” said one JaDine fan.

“May nakalaang upuan po sa lahat ng aming mga bisita. Ang di po namin makokontrol ay kung may plus 1 or 2 na kasama ang ming mga bisita na wala sa aming master guest list. Gayumpaman, maraming salamat sa iyong paalala, kaibigan,” sagot naman ng Viva Films.

Maging si Nadine ay sumagot na rin and said, “Hey. Before things get crazier, just here to clarify. I had reserved seat but I choose to sit with our friends. I’m a little bit disappointed with people throwing hate without knowing the reason behind this. I hope this clears out the issue that was never there in the first place.

“I’m gonna say this again. There was NO issue. I wasn’t treated badly. I’m not protecting anyone nor cleaning anyone’s mess. I’m telling you all what actually happened so you stop being angry for nothing. Aryt? Okay.”

q q q

Of late, Robin Padilla’s Instagram posts were composed mainly of our heroes. Halos isa-isahin ng Sana Dalawa Ang Puso star ang ating mga bayani at mga paglaban sa mga mananakop.

One by one, he posted photos of our heroes like Gabriela Silang, Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar, General Sakay at maging little known heroes like Tarik Soliman (who was referred to as Bambalito by the Spaniards) pati na ang little known wars like Labanang Bud Bagsák which started from Hunyo 11 hanggang 15 noong 1913.

Ang dami tuloy napahanga sa informative posts ni Robin. Natutuwa ang fans and followers niya dahil kasama niya itong natututo about historical facts in our country.

“Wow ang sarap magbasa pag ganito mga kasaysayan na totoo buti pa si idol na share ang mga ganito mahilig din kc ako sa mga history kaya idol na idol kita eh MISTAH.”

“Salamat Idol sa mga kaalaman na natitunan namin sayo.”

“Informative po at maraming nalalaman ako dahil po sa mga ganitong post mo Sir @robinhoodpadilla.”

“Salamat sa pag share ng kaalaman nakakaawa silang mga tunay na BAYANI ng PILIPINAS.”

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay pinagdududahan ni Martin (Richard Yap) ang kakaibang sweetness ni Leo (Robin) kay Mona (Jodi Sta. Maria).

Read more...