Barbie kay Paul: Napatawad na kita!

PAUL SALAS AT BARBIE IMPERIAL

“NAPATAWAD na kita!” ‘Yan ang mensahe ng Kapamilya youngstar na si Barbie Imperial sa ex-boyfriend niyang si Paul Salas.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Barbie, sinabi nitong naka-move on na siya sa break-up nila ni Paul. Hindi man pinangalanan ng dalaga ang young actor, naniniwala ang madlang pipol na si Paul ang tinutukoy nito.

“Yes. Okay na,” tugon ni Barbie nang tanungin kung kumusta na ang lagay ng puso niya. Mensahe naman niya sa ex-BF, “Masaya ako. Sana ikaw din.”

Naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa nang mapabalitang sinasaktan diumano ni Paul si Barbie. Nag-post kasi ang aktres sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato na may sugat at galos.

Wala namang diretsong pag-amin mula kay Barbie kung si Paul nga ang nanakit sa kanya kasabay ng pagtanggi ng kampo ni Paul na may ginagawa siyang masama sa dating girlfriend.

Ayon sa mga chika, ang ka-loveteam daw ni Barbie na si JM de Guzman sa seryeng Araw-Gabi ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na ang dalaga kay Paul Salas. Ang balita kasi, nagkakamabutihan na raw ngayon ang dalawa.

Read more...