LJ hindi pa pwedeng pakasalan ni Paolo kahit buntis na

LJ REYES AT PAOLO CONTIS

KAHIT buntis na si LJ Reyes, hindi pa rin sila pwedeng magpakasal ni Paolo Contis. Sa panayam ng GMA News, ibinalita ng Kapuso actor na wala pang final resolution ang annulment
case nila ng estranged wife na si Lian Paz.
Apat na taong nagsama bilang mag-asawa sina Paolo at Lian at biniyayaan nga sila ng dalawang
anak, sina Xonia at Xalene.

“My case is still ongoing and of course sa atin, we have to respect our law, and ‘yung way ng court natin. Sometimes we really have to wait longer.”

Sabi pa ni Pao, “Ako I would like to tell my kids personally if ever. I hope I would be able to visit them in Cebu soon and talked to them about it.”

May karelasyon na rin ngayon si Lian at meron na rin silang anak ngayon, si Niña Angela.

Read more...