Paulo nagoyo na sa pera at pag-ibig; Hindi raw chickboy

PAULO AVELINO

NAGOYO na rin pala si Paulo Avelino pagdating sa usapin ng pera at pag-ibig.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” ay natanong ang hunk actor kung may pagkakataon na rin ba sa buhay niya na naloko o nagoyo siya.

“Maraming beses na akong nagoyo sa pera. Sa pag-ibig nagoyo rin pero bata-bata pa naman tayo noon. Natututo naman din tayo. Matagal na ang pangyayari,” tugon ng binata.

Isa pang tinanong kay Paulo kung nakaka-relate ba siya sa kanyang karakter bilang si Gregorio “Goyo” del Pilar sa bago niyang historical movie na “Goyo: Ang Batang Heneral” mula sa TBA Studios at Globe Studios.

Kilala raw kasi noon si Goyo bilang “chickboy” kaya maraming babaeng na-in love sa batang heneral, “Yun nga ‘yung hindi ako maka-relate na part eh. Totoo.

“So kinailangan kong magbasa ng maraming libro, kinailangan kong sumama kay Jake Cuenca, para makita kung ano ang ginagawa niya. Joke lang! Joke lang!” natatawang chika pa ni Paulo.

Siniguro naman ng binata na always loyal siya sa kanyang mga nagiging karelasyon.

Sa direksyon ni Jerrold Tarog, showing na ang “Goyo: Ang Batang Heneral” sa Sept. 5.

Read more...