MABANGO ang pangalan ni Ken Chan sa GMA so after magsolo sa afternoon series na My Destiny Rose, nabiyayaan na naman siyang muli ng lead starrer, ang My Special Tatay na kuwento naman sa isang taong may intellectual disability.
“Sobrang thankful ako at ibinigay sa akin ito at sobrang saya ko rin po. Ito po ang pinakamahirap na role na ginawa ko sa tanang buhay ko po.
“Mahirap siya. Talagang nag-immerse po kami kasama si direk LA (Madridejos) dahil talagang napaka-sensitive po ng istorya at kundisyon. Kailangan naming makisalamuha sa mga taong may intellectual disability.
“Puro research, nood ng mga movie. Personally po wala akong specific na pineg sa character ko pero sa tulong ng pelikulang ito, immersions, napagsama-sama ko ang nuances, galaw nila hanggang sa nabuo si Boyet na special tatay.
“Pinanood ko rin po ang ‘I Am Sam’, ‘Forrest Gump’ na mga classic Hollywood movies about mental disability. Nanood din po ako ng sariling atin like Nino, Little Nanay at malaking tulong talaga ito sa akin.
“Yung pagkakaiba nila, itong case ni Boyet po, merong mild intellectual disability. ‘Yung napanood po natin sa programang inabangan natin, meron po silang severe case.
“Mas mahirap po siya para sa akin. Pero sana magustuhan ng viewers,” pahayag ni Ken sa presscon ng series na magsisimula sa Sept. 3 kapalit ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.
q q q
Puno rin ng drama sa tunay na buhay ang pagpili ng Top 12 Clashers sa reality singing search ng GMA na The Clash.
No wonder, sumasakit ang ulo ng judges na sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha sa tuwing may kailangang tanggaling contestant.
Sobrang intense kasi ng labanan kaya hindi maiiwasang may umiyak sa natanggal na kalahok.
Hindi rin naman kasi madali ang format dahil isa laban sa lahat, lahat laban sa isa ang konsepto nito.
Sa susunod na episodes ng The Clash, ilalantad na ang Top 12 Clashers at matira na ang matibay sa kanilang next round na bakbakan, huh!