Love triangle nina Mikee, Enrico at Kate winner

INAABANGAN ngayon ang love triangle nina Kate Valdez, Enrico Cuenca at Mikee Quintos sa top-rating primetime serye ng GMA, ang Onanay.

Usap-usapan ngayon sa social media, sa mga tahanan, sa palengke at sa mga karinderia ang karakter ng tatlo na sina Natalie (Kate), Oliver (Enrico) at Maila (Mikee). Mas umiinit na kasi ang mga eksena ng tatlong bagets sa Onanay kaya hindi na bumibitiw ang viewers.

At dahil nga rito, asahan ang mas matitindi pang tagpo sa pagitan nina Natalie at Maila nang dahil kay Oliver. Hanggang saan ang kayang gawin ni Natalie para mapunta sa kanya ang atensyon ni Oliver? Tuluyan na kayang mawasak ang nagsisimula pa lang nilang friendship ni Maila?

Bukod dito, tutukan din ang mga susunod na kaganapan sa buhay ni Onay (Jo Berry) lalo na kapag nagkalapit na sila ng loob ng isa pa niyang anak na si Natalie.

At siyempre, kailangan ding abangan ng manonood ang mga nakakalokang confrontation scenes nila ni Cherie Gil, idagdag pa ang mga agaw-eksena ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Napapanood pa rin ang Onanay sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol.

Read more...