NAGPASALAMAT ang author ng nobelang “Crazy Rich Asians” na si Kevin Kwan sa lahat ng mga Pinoy na nanood ng movie version nito matapos itong mangwasak ng record sa takilya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kevin ng litrato ng mga Filipino actors na naging bahagi ng big hit na Hollywood movie.
Ang isa ay ang eksena ni Kris Aquino bilang si Princess Intan kasama ang lead actress sa movie na si Constance Wu na siya namang gumanap na Rachel Chu.
Ang ikalawang photo naman ay kina US-based Filipino comedian na si Nico Santos kasama ang international actress na si Awkwafina. Ginampanan ni Nico ang role ni Oliver T’sien, ang second cousin ng male lead character na si Nick Young.
Si Awkwafina naman ay gumanap na Goh Peik Lin, ang college friend ni Rachel.
Ito ang caption ni Kevin sa kanyang IG post, “Thank you Philippines for making #CrazyRichAsians the No.1 MOVIE IN THE COUNTRY, making it WB’s BIGGEST OPENING WEEKEND OF 2018 and the BIGGEST OPENING WEEKEND for an English Rom-Com OF ALL TIME!!! Thank you for supporting my books from the very beginning! Mahal ko kayo!!! #superfans#gratitude.”
Kamakailan ay inihayag ng Warner Bros. Pictures-Philippines ang box-office record ng “Crazy Rich Asians” na kumita agad ng P82.7 million sa loob lang ng limang araw.