Young actress nagsawa na sa dyowang aktor, na-in love sa bagong leading man

NAGKATOTOO ang duda ng mga kaibigan ng isang young actor na sa wala mauuwi ang relasyon nila ng isang young actress kapag nabigyan na ito ng pagkakataong gumanda ang career.

Ayon sa kampo ng young actor, nu’n pa man ay mapangarap na ang batang aktres, palagi nitong sinasabing kahit ano ay gagawin nito sumikat lang.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang sinabi ng mga friends ng bagets actor, kapag nabigyan na ng chance ang girlfriend niya na magbida sa kahit anong project, e, siguradong kakawala na sa kanya ang girl.

“Ayaw pa ngang maniwala ng bagets, hindi raw mangyayari ‘yun, parang gusto niyang maniwala na totoo ang forever sa kanila ng girlfriend niya,” simulang chika ng aming source.

Mabilis ang mga pangyayari, napili nga ang young actress na bumida sa isang palabas, sa kanya talaga ang sentro ng kuwento katambal ang isang guwapong aktor.

“Nu’ng una, e, okey pa sila, maayos pa ang relationship nila, para silang mga langgam na palaging kumakain ng asukal sa kaswitan. Naging busy ang girl, halos hindi na sila nagkikita ng boyfriend niya.

“Pinag-aawayan na nila ang hindi man lang pagte-text ng girl sa bagets actor, ang palaging katwiran ng babae, siya ang bida sa serye, kaya palaging siya ang nakasalang sa mga eksena.

“Artista rin naman ang guy, alam niya na may pahinga ang mga artista, kesehodang sa kanya pa umiikot ang istorya. Nagkakainitan na sila palagi, nagsisimula nang ma-insecure ang lalaki.

“Dumalang na nang dumalang ang communication nila, wala nang kagana-ganang kausap ang girl, dahil palagi raw siyang pagod at puyat. Napansin na ng young actor na mukhang gusto nang makipagkalas sa kanya ng babae.

“Hanggang sa one day, nagkainitan na nga sila, freedom ang hinihingi ng girl, ayaw na raw niya, gusto na niyang makipag-break, pero wala naman siyang maibigay na dahilan.

“Hanggang sa nagulat na lang ang guy, wala na pala sila talaga, ang babae lang ang nagdesisyon. Mukhang nahuhulog na kasi ang girl sa leading man niya, ‘yun ang kutob ng pamilya ng guy,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, aabutin kaya kayo nang araw at gabi sa panghuhula kung sinu-sino ang mga starring sa kuwentong ito?

Read more...