Launching movie ng MarNigo ididirek ni Boy2

IÑIGO PASCUAL AT MARIS RACAL

NATANONG kami ng supporters nina Inigo Pascual at Maris Racal kung kailan daw ang showing ng launching movie nilang “I’m Ellenya” produced ng Spring Films at N2 Productions na first directorial job ni Manuel Villegas Quizon II o mas kilala bilang si Boy2 Quizon.

Mas kilala kasing artista at producer si Boy2 kaya nu’ng banggitin sa amin na siya ang direktor ng launching film nina Inigo at Maris ay may konting gulat factor.

Kadalasan kasi sa mga baguhang artista o launching movie ay dapat blockbuster o kilalang direktor ang hahawak para sure hit tulad nina Cathy Garcia Molina, Binibining Joyce Bernal, Rory Quintos, Olive “Inang” Lamasan at iba pa.

Pero siyempre, since isa si Boy2 sa producer ng “I’m Ellenya” at gusto rin niyang magdirek na rin, bakit nga naman hindi? Higit sa lahat, ipinagkatiwala rin naman ni Piolo Pascual ang proyekto.

Malay mo makalusot si Boy2 lalo’t maganda naman ang materyal at malakas din naman ang
tambalang MarNigo.

Read more...